Home » Archives » 25. November 2006
ahh…Baguio!
Saturday, November 25, 2006kung gusto magpapresko, magpalamig ng ulo
pumunta lang sa Baguio, tyak kayo'y mag-eenjoy…
o ang lamig sa Baguio, naninigas ako!!!
(Elvis and James, The Living Legends OST)
baket ganun? Ako na lang ata ang natitirang tao sa QC na hindi pa nakakapunta sa Baguio??? Nakakahiya man, kadalasan nakakakuha ako ng mga komentong, "di ka pa nakakapunta ng Baguio?"…may halong awa sa mga mata nila, na para bang na-miss ko ang kalahati ng buhay ko dahil di pa ako nakakatapak sa Summer Capital of the Philippines. Chef talaga! Ako na lang ba talaga??? o lahat lang ng nakausap ko e nakarating na dun? Kahit na saang anggulo ko pa tignan, masaklap pa rin…lahat na ng tao sa bahay namin sa Cubao nakapunta na doon…ako hindi pa rin! paano nangyari yun???
Alam ko lang ang Baguio base sa mga kuwento sa libro at ng mga taong nakarating na doon…pero sa sariing karanasan wala talaga akong alam…ni hindi ko nga alam ano itsura ng Session Road e…hehehe…ang alam ko banda yun. hay!
pangarap ko makarating ng Baguio! Isama nyo ako sa Baguio!!! Please! Maski ako ang mag-drive…pero sabi ni Liezl, tumapak lang daw ako…hindi na kailangan pang mag-overnight dun dahil di na rin daw ganun kaganda ang lugar…mantakin mo? ni hindi ko na nasilayan na maganda ang Baguio…and saklap talaga!!!
dalhin nyo ako sa Baguio…gusto ko makita! malanghap! maapakan ang lupa ng BAGUIO!
Hindi rin naman ako mukhang desperado noh? hehehehe…basta, pag nakakita ako ng pagkakataon, hindi ko papalagpasin magpunta sa Baguio at kumain ng strawberry!!!
Yihee!
kahit na…
kami pa rin…
siguro mahirap intindihin kung paanong hindi kami nag-aaway ng matagal…hindi nga umaabot ng isang araw…at madalas kung sa dalas lang ang pag-uusapan, ako naman kasi ang dahilan ng "away." abnormal kasi ako e…oo aminado ako…hindi normal ang takbo ng pananaw ko sa mundo…pero salamat na rin at kaya nya pagtyagaan yun. chef! swerte ako sya ang makakasama ko sa mahabang panahon…kasi…basta!
hindi ko maisip humanap ng iba…ganun na talaga yun. permanente na to.
iba ang mundo na ginagalawan namin…magkalayo…ni hindi namin naisip na nabubuhay ang isa sa amin noong mga panahong di pa kami magkakilala…mantakin mo yun?! iba talaga kung makipaghatawan ang kapalaran. isang batangueno na nainlab sa isang taga-Cubao…ayus!
dami naming pagkakaiba…kahit na…kami pa rin naman!
OC OC ako, makalat sya; natatawa ako pag naiinis sya…makulit ako pag seryoso sya…maligalig ako, matiisin sya. ayus di ba? totoo ngang opposites attract!
maganda na rin eto…kasi kung pareho lang kami, nakakaantok ang araw-araw…parang nakipag-usap lang ako sa sarili ko…e di mukha akong baliw nun…hehehe…ang isa taga-normalize ng hindi normal…yung abnormal, taga-pagpasaya ng normal. pwede na di ba?
o sya, wala na naman akong saysay…lagi naman e…sige balik na muna ako sa katotohanang madami akong nakatambak na gawain…
paalam! weee!








