Home » Post Item » iced tea na walang ice atbp…
iced tea na walang ice atbp…
Wednesday, January 31, 2007may bigla lang akong naisip…teka!
kanina bumaba ako para bumili ng kape sa canteen…nakasabay ko ang isang babae na bumibili ng iced tea, pero may isa syang request: yung walang ice.
baket nga naman ang isang tao ay minsan walang katuturan kausap? baket? ewan. kasi ako minsan (hindi madalas pala) wala ring katuturan…
isa yan sa misteryo ng araw-araw na pamumuhay ng isang Pinoy: ang magrequest ng isang bagay na, minsan, sadya namang nakakawala ng ulirat! tumpak!
mahilig kasi tayo sa misteryo…kaya kadalasan misteryo rin ang ating nababanggit. gaya na lang ng paghiling sa isang ng sales lady ng high heels na hindi mataas ang takong! tama ba naman yun? O kaya ng sleeveless na may konting manggas…siguro sadyang palabiro lang tayo o sadyang hindi natin naiintindihan ang pinagsasabi natin.
pero kung sisipatin nating maigi, iisa lang ang hinihiling nila: konting pang-unawa (ano luisa? paano naman napunta ang usapan ng pang-unawa dito?!?). unawain natin sila na baka masakit lang ang hinlalaki ng paa nila kaya sila ganun. o kaya may lagnat ang aso nila. kanya kanyang dahilan para sa kanya kanyang diskarte ng pananalita at pakikipag-usap.
at bago pa mauwi sa Africa ang usapang ito, tagay muna dyan!
Previous Comments
ahhh…
hmmm…
tama!
may tama ka jan Cortez!
sige, pag isang araw naging building ako itatanong ko sa kapwa building ko kung baket nga ba building ang tawag sa amin…
at saka nga pala baket minsan may umoorder ng large drinks sa burger king?
oo nga.. samantalang bottomless naman.. siguro gusto lang nila ng mas matagal na panahon bago sila manghingi ulet.. hehe
Posted by cortez at February 7, 2007, 11:33 pmsiguro nga…ahh basta kung ano pa man, nakakaaliw lang di ba?
sari-sari lang talaga trip ng bawat isa sa atin…hindi sinasadya kung minsan kaya lalong nakakaaliw! he he he…









at ate, paano naman ang building.. bakit ba natin pilit tinatawag na “building” samantalang tapos na.. hindi ata ito makatarungan?
Posted by cortez at February 7, 2007, 12:38 am