Home » Post Item » dekada 80! o asan ka na?
dekada 80! o asan ka na?
Wednesday, February 14, 2007
Suka toyo, kaya gawing bomba
Lumang tubo, kayang gawing bazooka
Lumang bumbilya nagagawang granada
Wala pa ring tatalo kay McGyver
Ultimate problem solver
Kiko Machine
ano ba ang meron sa 80s? ano ang meron sa panahong nauso ang New Wave? naka-tis na hair? at padded blouse? lahat ng interesanteng bagay meron sa panahon na yun. (at syempre pinanganak ako sa unang bahagi ng dekadang yun!)
kung tutuusin dapat wala ako masyadong alam nun. kasi nung mga panahong nakikita ko na namumutaktak sa spray net ang buhok ng ate ko, nasa kinder pa lang ako nun. nasa grade 4 naman sya. pero sa di maipaliwanag na dahilan, ang aking buhay ay napuno ng alaala nina Boy George, Prince, Michael J. Fox, Jackie Chan, atbp. kaya nga pwede na kami mag-champion (sana) ni Badet kung sakaling tinuloy namin ang pagsali sa Jologs Quiz Show ng Engg Week. tama! oo na…jologs na ako kasi kahit mga OST ng pinoy films ng era na yun alam ko.
gaya ng OST ng Inday Bote (starring Maricel Soriano) na may nakakaaliw na linyang gaya nito:
ako si Inday Bote, kumakain kahit butete!
o kaya ng Mga Kwento ni Lola Basyang (dun sa last episode na pinagtatambalan nina Tirso Cruz III at Nora Aunor, cute pa nun si Chuckie Dreyfus):
…kung mayroong pag-ibig, walang hindi magagawa
dahil sa pag-ibig mundo'y napapakanta…
kahit na anong kaalaman, kahit na anong yaman
pag-ibig ang kailangan kung gusto mo ng himala!
o di ba? he he he…
pwede mo rin akong gawing juke box. gagayahin ko ang boses ni Sheryl Cruz para sa'yo. kung yan ang makapagpapaligaya ng araw mo. ewan ko kung matutuwa ako, pero ika ng ng isa sa mga suking tagapakinig ko, wag nya lang makikita na ako yung kumakanta iisipin nga nyang si Sheryl Cruz yun! ayus di ba? pati na rin si Zsa Zsa isama nyo na.
hay! yan siguro ang nagagawa ng walang humpay na pagsubaybay sa programang tsismisan ni Ate Luds (aka Inday Badiday) sa AM radio kung saan pinapatugtog ang version nina Janice at Aga ng "Moments of Love" at ang version ni Gabby at Sharon ng "Come What May"…he he he…
sa gabi naman katatakutan mula sa GABI ng LAGIM ang maririnig mo pagnilipat mo sa AM (DZRH sais trenta) ang dating istasyon ng 93.9 KC FM (ngayon ata i! FM na yun).
isa pang patok sa mga magulang naman natin ang "MAGTONING muna tayo" ni Johnny Midnight! he he he…alas dose ng gabi yun…isang healing session na gamit ang TONING water! asus!
at syempre ang walang kamatayang linya ni ng inyong Tiya Deli!
isa nga lang sa hindi ko malilimutang bahagi ng buhay ko na yan ang aking pagiging batang kalye…oo lumaki ako sa pakikisalamuha sa kapwa kong bata sa isang kalsada sa Cubao. pero limitado nga lang yun kasi kelangan ko matulog tuwing hapon (gigising para manuod ng BATIBOT) at hanggang alas singko lang ako pwede maglaro sa labas (kung hindi WHAPAK!).
usong uso ang mga larong Chinese garter (ewan kung galing ng China yung garter sa tahian ng nanay ko), luksong tinik at luksong baka, tumbang preso, patintero (patotot in!), agawang base, 10 - 20, syato, sipa, piko, at kung anu-ano pang may panahon din ng kausuhan. may season kasi na uso ang goma, ang teks (mga eksena pa sa pelikula ang nasa teks noon), and tansan!
ayan! namimiss ko na maglaro ng mag yun! wala na kasi akong batang nahuhumaling sa teks na dati sa panahon ko si Boy Negro ang bida. wala nang bumibili ng goma sa tindahan ni Aling Mameng para maglaro ng Chinese garter. O kaya manghingi ng tansan ng beer para may gamiting pamato. iba na kasi ang hilig ng bata ngayon. di tulad dati. mas mahal ang pinagkukunan ng kaligayahan ng bata ngayon.
sana nanatili ang ibang bahagi ng dekada 80 sa panahon natin ngayon. mas simple. mayaman lang ang merong atari noon.
sana…
Previous Comments
You will be greatly surprised by its products of top grade and services of high class.
ray ban sunglasses sale
he speed of shipping will also be beyond your imagination.
ray ban sale
Nice topic and post, as we were just talking about what things can happen in the medicine industry
true religion jeans cheap









cnu ng video ng hit nah kantang yan.. dahil s pg ibig…???? pkishare nmn sken plssssssssssss.. superlike ko tlga un.. di ko mhanap s u-tube.. thnx,..
Posted by arnette estrella at July 8, 2011, 12:35 am