Home » Tags
ano ang meron sa edad?
Saturday, December 2, 2006The first time I loved forever, was when you whispered my name…
nyewerps!
walang kinalaman sa one liner na yun ang isusulat ko…nagkataon lang na yun ang iniisip kong kanta sa mga sandaling ito…ganda e…
nga pala kadadaan lang ng bagyo…madami na naman ang nasalanta…kunsabagay araw araw naman may mga maliliit na bagyo sa buhay natin…tayo na nga lang ang bahala kung tayo ay magdedeclare ng state of calamity o pipilitin natin bumangon sa sarili nating mga paa…hindi na importante na binaha tayo ng problema o kinidlatan ng kamalasan….ang importante naman ay yung pagdating ng bahaghari sa dulo ng unos. malalim ata yun! hehehehe…ganyan nga siguro pag nagkakaedad na…dati kuntento na akong isipin kung saan kami mag-lulunch ng mga kaibigan ko: Mang Jimmy's ba (bilang muna kung sapat ang pera), sa Matchstick (chef!), CASAA (freshman!), o sa Chocolate Kiss (doble ang bilang kung me pera kasi SOSYAL!). ngayon samutsari na ang kahulugan ng mga bagay bagay sa akin…ang berdeng dahon may iba ng ibig sabihin…ang ngitin ng pusa iba na rin…maski ang huni ng ibon! Ay! Parang psycho ata ako nun!
walang halong biro…ang pagkakaroon ng iba't ibang karanasan habang ang edad ko ay lumalapit na sa dulo ng kalendaryo (mga 6 taon pa) ay nakakapagpaiba ng pananaw ko sa buhay…hindi ko naman sinasabing ako ay unti unti nang lumalapit sa borderline ng pagiging normal…malayo pa rin ako…nasa abnormal side pa rin naman ako…basta…iba na talaga…mas matured ika nga…hehehehe…pero sabi ni Atan di pa rin daw nadadagdagan ng 1 taon ang pag-iisip ko…hmmm…baka mas mauna pa magmature si Scout sa akin.
kung ano pa man, sana maexplore ko ng mabuti pa ang mga nakapaligid sa akin…wag na muna ang langit at lupa…yung mga kasama ko sa pagitan ng dalwang yun muna…saka na ang nasa ibabaw at ilalim…may panahon para dun…
TAMA!
…and I knew at once, you loved me…for the me of who I am








