Home » Tags
i am having an (h)art attack…
Wednesday, February 7, 2007minsan masarap maggupit…
ewan ko pero nakakakuha ako ng mumunting kasiyahan sa paggugupit ng kung ano-ano. ganun na daw ako maliit pa lang ako sabi ng nanay ko…minsan nga daw iniwanan nya ako ng isang dyaryo para makapaglaba sya ng walang umiiyak sa may palda nya, at wala daw akong ibang ginawa sa dyaryong iyon kundi punitin ng punitin hanggang nagkaroon ng isang tumpok ng dyaryo sa harap ko at ako ay biglang nagtatakbo sa sobrang takot sa kung ano na ang nangyari sa dyaryong kanina ay pinupunit-punit ko lang…and tanga di ba? pero ganun naman ang mga bata…may kanya-kanyang katangahan…dun sa punto ko naisip na marahil autistic ako nung maliit pa ako…kaya ganun ang gawaing nakakapagpatakbo ng mumunting oras ko…tapos siguro nahipan ako ng mabuting hangin kaya nakayanan ko makapag-aral at maging "normal" na tao…pero minsan hindi ko pa rin mapigilang umupo sa isang tabi at kumuha ng gunting at maggupit ng kung ano-anong bagay na sa tingin ko ay maganda. gaya ng ginagawa ko ngayon habang nasa opisina ako…multi-tasking pa nga eh..kasi ganito, nagsusulat ako sa blog na ito, umiinom ng kape, at higit sa lahat naggugupit ng isang lumang kalendaryong pangmesa na may magagandang bears at flowers…pwede ko itong gamitin sa scrap book ni Scout!!!
ayus din noh? kaya sa bahay namin hindi pwedeng walang gunting. samut-saring uri ng gunting! may mga art scissors na kung ano-anong shapes ang ginagawa sa mga ginupit na papel. may maliit. may malaki. mayroong ang butas ng hawakan ay hindi pantay ang laki ng bilog. may pabilog ang dulo at merong patulis! he he he…kung iisipin, marami rami na rin akong cut outs sa bahay. pero nakaayos naman sila. cut out stickers…cut out letters…cut out pictures…cut outs! dala rin yan ng pagiging OC-OC ko…TAMA! Obsessive compulsive din ako…under the category of HOARDERS! ang galing! kung susumahin, isa akong psychotic autistic! astig!
kaya nga hindi ko makuhang ma-offend pagsinasabi ng mga taong malapit sa akin na isa akong autistic…tama naman sila. nasa akin ang mga manifestations…hindi nga lang ako gradweyt ng sped. hmmm…
mahaba-haba na rin ito. at saka iba nga pala ang purpose bakit ako pumasok sa opis…may bundle nga pala akong dapat tapusin! tama! ayoko muna mag 14 hours sa opis…hindi makatarungan yun. mas mainam pang maggupit kesa magtagal sa opis ng ganun katagal at gumawa ng bundle.
minsan masarap talaga maggupit!
iced tea na walang ice atbp…
Wednesday, January 31, 2007may bigla lang akong naisip…teka!
kanina bumaba ako para bumili ng kape sa canteen…nakasabay ko ang isang babae na bumibili ng iced tea, pero may isa syang request: yung walang ice.
baket nga naman ang isang tao ay minsan walang katuturan kausap? baket? ewan. kasi ako minsan (hindi madalas pala) wala ring katuturan…
isa yan sa misteryo ng araw-araw na pamumuhay ng isang Pinoy: ang magrequest ng isang bagay na, minsan, sadya namang nakakawala ng ulirat! tumpak!
mahilig kasi tayo sa misteryo…kaya kadalasan misteryo rin ang ating nababanggit. gaya na lang ng paghiling sa isang ng sales lady ng high heels na hindi mataas ang takong! tama ba naman yun? O kaya ng sleeveless na may konting manggas…siguro sadyang palabiro lang tayo o sadyang hindi natin naiintindihan ang pinagsasabi natin.
pero kung sisipatin nating maigi, iisa lang ang hinihiling nila: konting pang-unawa (ano luisa? paano naman napunta ang usapan ng pang-unawa dito?!?). unawain natin sila na baka masakit lang ang hinlalaki ng paa nila kaya sila ganun. o kaya may lagnat ang aso nila. kanya kanyang dahilan para sa kanya kanyang diskarte ng pananalita at pakikipag-usap.
at bago pa mauwi sa Africa ang usapang ito, tagay muna dyan!
i better blow my nose harder…
Monday, January 22, 2007I heard Buses and Trains on the radio this morning, and I can't help but reminisce about that time when i felt so hopelessly in love with someone from my college past. if i get to thinking of the silliest of silly things i've done during those days, i also can't help but think "was i really that stupid before?" hmmm…maybe. maybe not. it depends.
i used to always long for that fairy tale-like love story to happen to me. i have always been a no boyfriend-since-birth (NBSB) girl, until i crossed path with Athan. i have always enjoyed the company that i keep with myself. always been just ME. and being an NBSB person, i have always wanted to experience the LOVE thing too, despite finding contentment in being single!
i have had my share of those "heartaches" that people of my type go through. and that song i mentioned earlier is reminiscent of what i've always gone through. boys could still be the sweetest fun…
i never committed to anyone. i never saw myself before getting involved with anyone…maybe that was the reason i never had a boyfriend in my entire life as a pre-Conti. sad huh? not really. like i have said, i enjoyed singlehood. i went on a couple of dates before but just that. and that was because of that someone from my college past. he knows himself. i got to confess right after college. and he took it nicely and even continued being friends with me. cool huh? that cool i managed to get over the whole thing kinda easily. be brave again to venture into a real relationship. no longer made up. no longer longed for.
did i ever regret those 2 years i spent hoping he'd love me back? and shrugging off the thought of entertaining other guys who may have made a difference or two in my life as an NBSB? i did not. certainly. because that experience has taught me a lesson, that you can't always get what you want. it's never both. just either or. i had his friendship; therefore, i couldn't have his heart. that was how i interpreted it.
and that was a long time ago. i have moved on…i am happy with what i have. i did get both of Athan's friendship and heart, though. maybe that was an exception. one proof that this thing that we have going for more than 2 years now is for real and for good. i am happy. everything else falls back into their proper places eventually. good to know that right? right!
araw-araw ito!
Tuesday, January 16, 2007ganito ang dinadatnan ko sa araw-araw (minsan hindi araw-araw) na pagpasok ko sa opisina…hmmm…magulo sya. pero yung kaguluhan ng lamesa na to ang nagbibigay karakter sa pwesto ko. alam mo na agad sa isang tingin pa lang na si Little Luisa ang nakaupo dito…
ito naman ang araw-araw dinadatnan ni Ben, aming alagang bubwit sa opisina…oo! tama ka sa nabasa mo! me isang bubwit na pagala-gala sa aming floor…hindi namin maisip kung paanon sya napadpad dito…basta sya ay paminsan minsang nanggugulantang ng isang kawawang copyed sa kanyang biglang pagsulpot sa kung saan saan…
at ito ang aking pinagmamalaki! ang aking Best Worst Gift Giver award (arinola crown and pambomba sa kubeta scepter) noong pasko ng taong 2005! ha ha ha! hindi ko kasi napaghandaan ng masyado ang pang-araw-araw na exchange gift namin na halagang Php10…hindi ko masyadong nakuhang maging creative! pero nakahanap naman ako ng final gift na halagang Php62.50! he he he…
si Jane at ako kasama ang aming DTI representative cum Smart E-load (60 Php) winner sa taong 2006 na si Ma'am Mean!!! Whooh! Naka-isang taon din ang Pork Chop Duo (Get Get Out! Awww!) Corp. sa pagbibigay kasiyahan sa aming mga kaopisina sa pamamagitan ng pagbebenta ng load!!! Isa uling taon!!!
yan ang buhay CED…makulit na mundo para sa isang makulit na nilalang…hay!
a-s-i-u-l (baliktad)
Monday, January 15, 2007Minsan dumarating sa buhay natin ang pagkalungkot…
dala marahil ng hangin mula sa malayong ibayo na nalalanghap natin. tapos yung hangin na yun unti unting tinatanggal ang mga bagay na kayang makapagpasaya sa isang tao. naiiwan lang ang kalungkutan. isang mabigat na pakiramdam. kung ano pa man, ito ang araw na iyon para sa akin. at hindi ako masaya. daig nito ang dysmenorrhea na dati ay problema kong malaki. hindi ko gusto ang mga araw na ito. madalang sila dumating; pero pag anjan na, siguradong apektado ang marami.
isusulat ko na lang…baka sakaling mabawasan bago ako umuwi mamyang alas 5 ng hapon. hindi maganda na datnan ko ang bahay na ganito.
ano nga ba? bakit nga ba dapat mangyari? ano ang ginawa ko para mangyari to sa akin. walang makakasagot dahil kung ako mismo hindi ko maintindihan, ang iba pa kaya? hay!
mabuti na ang walang saysay…at least sa mga araw na ito.
bukas na lang uli…o kaya sa ibang araw na lang…
ang lungkot…
walang kwenta.
baliktad na naman ang mundo ko.
who cares? not even the carebears care!
Friday, December 29, 2006…sisinghot lang uli ako.
I used to think that Peter Pan will come for me…Proof is that I always kept our bedroom windows open. But after so many years of waiting, no Peter Pan came. I have come (now) to realize that there are some things that I better keep (hidden) in the rich world of my imagination. Like my Mom used to tell me, I shouldn't dream too much…wait let me rephrase that, I shouldn't fantasize too much.
But is it really too much? I am ignorant in measuring the extent of this REALITY. It sucks to even think that there are limits to what we must do, when the world beyond what we have here is Limitless. How cruel can it get to be talked out of your fantasy? Very. When doing so doesn't hurt anyone, it hurts to be told that you better keep yourself in the realms of this world. This world where no Peter Pans and Mermaids ever exist. Darn! I won't let that happen to my only child. As a mother, I'd keep her open to a lot of things. I wouldn't want her confined to what the norms want. She can dream all she wants. Her soul be free of things that will make her confuse. And, be able to appreciate the things that only a child can. That doesn't mean I will let her make a weirdo out of herself. I will just show her that a little imagination won't hurt. That it is fine to let go of the pressures of this world for even a short time and live in her secret place. Her solace. Her sanctuary. She can be a normal person afterwards. Play with the games of this world. Be a real player. Lose sometimes, but never lose hope of recovery. Achieve. And dream. There's always that nagging sense to dream. I am a dreamer. I want her to be too. If that won't mess her life. She must have a choice. I won't bug her into trying things out my way. I've been through that under my Mother's wings. It's enough. She won't have to go through that.
Oh well, I am supposed to finish something.
I better hit the screen.
Till next time.
achoo!
Thursday, December 7, 2006Gusto ko lang magsulat…
ayoko magsalita…kahit na kilala akong daldalera (naaalala ko nun Prep ako. tinanong ko si Mommy, "ano ibig sabihin ng TALKATIVE?"). wala lang ako sa mood magsalita at magkwento…pwede mo ko kwentuhan…makikinig ako.
lahat pwede ko isulat e…hindi lahat pwede ko sabihin. Sa pagsusulat, hindi lahat ng tao pwede ko tamaan, maliban na lang sa makakabasa nito (kung mamarapatin ko). Pero ang sasabihin ko, hindi ko maiiwasang may makarinig. kahit ayaw ko iparinig, may mga taong nabibiyayaan ng malakas na hearing aid. asteeg di ba?
ang daming hinananakit na sa sulat ko lang inilalabas…karamihan ng mga isinulat kong tula ay nagsasalamin ng ganoong damdamin…pero di ko na rin maatim ipost pa ang mga iyon dito…nakabaon na sa alaala ang pinatutungkulan nila.
ang mga sana gusto ko mangyari sa buhay ko, naisulat ko na din. madami sila. madami. di sapat ang pahinang ito para i-accomodate sila.
hay!
isang araw na naman ang lumipas kahapon…di na ako nag OT kasi papasok din naman ako ng sabado at linggo…ngayon hindi na rin siguro…tapos bukas, undertime naman. hehehehe…tawagin nyo na akong tamad…okay lang. kesa mabato na naman ako sa )*(@&#_) opisina na ito. nakakasawa na! Whoohhhh! Whooohhh!!! (gusto ko isigaw yan ngayon. pero dito na lang)
o sya, may tatapusin pa ako.
may bisita na naman…kelangan na naman magtago ng mga gamit ko…para mabigyan ng impresyon na alinsunod sa 5S ang aming opisina…hehehehe…ayus din!
ay eto na sila!!!! dan dan danan!








