Home » Page 5
kahit na…
Saturday, November 25, 2006kami pa rin…
siguro mahirap intindihin kung paanong hindi kami nag-aaway ng matagal…hindi nga umaabot ng isang araw…at madalas kung sa dalas lang ang pag-uusapan, ako naman kasi ang dahilan ng "away." abnormal kasi ako e…oo aminado ako…hindi normal ang takbo ng pananaw ko sa mundo…pero salamat na rin at kaya nya pagtyagaan yun. chef! swerte ako sya ang makakasama ko sa mahabang panahon…kasi…basta!
hindi ko maisip humanap ng iba…ganun na talaga yun. permanente na to.
iba ang mundo na ginagalawan namin…magkalayo…ni hindi namin naisip na nabubuhay ang isa sa amin noong mga panahong di pa kami magkakilala…mantakin mo yun?! iba talaga kung makipaghatawan ang kapalaran. isang batangueno na nainlab sa isang taga-Cubao…ayus!
dami naming pagkakaiba…kahit na…kami pa rin naman!
OC OC ako, makalat sya; natatawa ako pag naiinis sya…makulit ako pag seryoso sya…maligalig ako, matiisin sya. ayus di ba? totoo ngang opposites attract!
maganda na rin eto…kasi kung pareho lang kami, nakakaantok ang araw-araw…parang nakipag-usap lang ako sa sarili ko…e di mukha akong baliw nun…hehehe…ang isa taga-normalize ng hindi normal…yung abnormal, taga-pagpasaya ng normal. pwede na di ba?
o sya, wala na naman akong saysay…lagi naman e…sige balik na muna ako sa katotohanang madami akong nakatambak na gawain…
paalam! weee!
Tanong ko lang…
Thursday, November 23, 2006eto lagi na lang napag-uusapan namin ni Jane…baket me mga babaeng pang "girlfriend material"? baket nga ba? sadya bang nilikha sila para magkamal ng madaming lalake sa buhay nila? hindi naman sa bitter ocampo ako…curious lang, ika nga. kasi kami hindi kami pasok sa kategoryang iyon…hindi kami tulad nila.
ako 23 years bago nakahanap ng alam mo na…medyo late bloomer. di ko mawari baket sa aming magkakaibigan sa Diliman, walang me BF, special someone, syota…wala. kami kami lang. di naman siguro kami nuknukan ng kapangitan, o kaya e sukdulan ng sama ng ugali…pero BAKET? BAKET? BAKET?!?! hmmm…
siguro marahil one of the boys ang tingin sa amin…simpleng kabatak…friend material. Chef! ang saklap naman…hehehehe…kaya nga marahil yun ang dahilan at nabigo ako sa Kanya. di ko na papangalanan pa…alam naman nya kung sino sya na nagdulot ng tuwa, luha, at hinanakit sa akin…pero tapos na yun. matagal na panahon na…saka okay na rin.
tama rin pala yung kasabihang "sa pagsara ng isang pinto, may nagbubukas na bintana"…tama ba ako? kasi nung nagsara ang pinto ng puso Nya…nagbukas ng bintana ang kay Atan…ayan! welcome ako! nga pala…kahapon 2 years na kami…asteeg! ako ang huli at sya ang una…galing din naman ni kapalaran! tama na raw ang isa sa akin…hehehehe…pero hirap din mag-adjust sa buhay ng hindi na solo…nakakapanibago lalo na kung sanay ka na sarili mo lang iniintindi mo…dati AKO…ngayon KAMI na…ganun! dati kuntento ako na gumala lang mag-isa sa ortigas…ngayon isa na kaming tag team!
ano ba?
baket ba?
marami pang tanong e…ang sagot nasa paligid lang…wala na namang kwenta…gusto ko bumalik balik sa tagaytay (the place to be)..dun masarap…pwede kalimutan ng panandalian ang syudad na masalimuot sa problema…next week dun kami…
o sya?
weno!
Kahapon
Sunday, November 19, 2006
parang ganun lang kadali
ng ako ay tumalikod
sa kahapong di na dapat balikan
kahit ano aking gawin
yun ay kahapon na
nilipasan ng panahon
tapos na.
ngunit kung babalikan
masaya pa ba?
dapat pa ba?
iba na ang mundong aking ginagalawan ngayon
ganun din sya
kaya dapat bigyan ng tuldok.
tuldok.
kahapon, ngayon iba na.
nakakahon na mga alaala…
nakatikom na damdamin…
tapos na.
kahapon pa.
Dito Ko Uumpisahan…
Saturday, November 18, 2006eto ang una…
ano ba ang masarap isulat tungkol sa mga una? hmmm…madami.
hindi ito ang unang blog ko…meron ako sa yahoo! 360…dun ko isinusulat ang mga wala lang…puro wala lang. hehehe…dito ko ngayon balak magsimula ng talagang blog…pero bago rin lang ako sa technolohiyang ito e…namamangha lang ako sa mga nabasa ko nang ganito…kaya naisip ko, ako rin makikisakay na…mukha namang enjoy. dito ko gusto mailarawan ang mga bagay na nakikita ko sa paligid ko…sa trabaho…sa kalsada…sa loob ng mall o restaurant…at sa kung saan saan pa. dito pwede kang magsulat ng kahit ano…walang censorship…di gaya sa totoong buhay, madami! dito pwede mo hithitin ang yosi ng katotohanan (huh?! ano yun?), pwede mo laklakin ang alak ng kabiguan, at higit sa lahat dito mo pwede ijamming ang droga ng kasiyahan.
ang lalim nun!
pero di lang yun…pwede ko isalamin dito ang buhay ko sa pang-araw araw…kahit na gaano pa man ka-korny ito minsan.
ayan! may naisulat na ako…
pwede ko na simulan…eto na! hayk!










